Friday, February 6, 2026

Mahigit 5-K 2025 Bar passers, pormal nang nanumpa bilang mga bagong abogado; pinayuhang maging responsable sa social media

Opisyal nang naging mga bagong abogado ng bansa ang mahigit limang libong nakapasa sa 2025 Bar Examinations.

Ngayong Biyernes ng umaga isinagawa ang Oath Taking at Roll Signing Ceremonies sa isinagawang Special En Banc Session ng Korte Suprema.

Sa unang pagkakataon, idinaos sa Philippine Arena sa Bulacan ang ceremony na dinaluhan ng 5,572 na nakapasa kung saan may 22 naman na hindi nakapunta.

Sa mensahe ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Exam, nagpaabot ito ng pagbati sa kaniyang “Bar babies” sa naging tagumpay ng pagsusulit.

Hinikayat din niya ang mga bagong attorney na maging responsable sa paggamit ng social media lalo’t kumakatawan na sila ngayon hindi lang para sa kanilang sarili kundi sa legal profession.

Pinayuhan din sila na gamitin nang ayos ang Artificial Intelligence (AI) lalo’t hindi pa rin nito mapapalitan ang tungkulin ng mga abogado.

Samantala, pinasalamatan din ni Justice Javier sa kaniyang talumpati ang mga kumuha ng pagsusulit pero hind pinalad na makapasa.

Nasa 5,594 ang pumasa mula sa kabuuang 11,425 na nakakumpleto ng Bar Exams o katumbas ng 48% na passing rate.

Facebook Comments