Sinimulan na ng Quezon City government ang pagbabakuna sa mga empleyado ng Business Process Outsourcing (BPO) companies sa lungsod Quezon.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte humigit-kumulang 5,500 mga manggagawa mula sa information technology and business process management industry ang makakatanggap ng kanilang unang bakuna.
Paliwanag ng alkalde, nagkaroon ng kasunduan ang QC government sa Contact Center Association of the Philippines, Healthcare Information Management Association of the Philippines at IT and Business Process Association of the Philippines para sa vaccination ng mga worker.
Dagdag pa ni Belmonte na sila ang magpo-provide ng kanilang medical teams para bakunahan ang kanilang empleyado habang ang local government naman ang magbibigay ng alokasyon ng COVID-19 vaccines.
Tutulong din aniya sila sa pagbakuna sa ibang priority individuals sa mga kalapit na barangay.
Target ng Quezon City government na mabakunahan ang mahigit 67,000 industry workers sa lungsod.