Ipinagmalaki ng Quezon City Government na umabot sa mahigit na 5.3 milyong mga pasahero ang nakinabang sa libreng sakay na sinimulan noong Ika-7 ng Disyembre 2020.
Ayon sa naturang LGU, ang Quezon City Bus Augmentation Program o QCity Bus ay bumabiyahe ng may 8 ruta tuwing alas ala-sais ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi sa Quezon City Hall patungong Cubao; Route 2: Quezon City Hall patungong LITEX; Route 3: Welcome Rotonda to Aurora Blvd./Katipunan; Route 4: Quezon City Hall to Gen. Luis; Route 5: Quezon City Hall to Mindanao Ave. Via Visayas Ave.; Route 6: Quezon City Hall to Gilmore; Route 7: Quezon City Hall to Ortigas Avenue Extension; at Route 8: Quezon City Hall to Muñoz.
Paliwanag ng lokal na pamahalaan ng Quezon, ang naturang programa ay inilunsad upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan ng lungsod sa panahon ng pandemya kung saan mayroong kakulangan sa pampublikong transportasyon at malaking katipiran sa mga pasahero ng pumapasok sa kani-kanilang tanggapan araw-araw.
Hinikayat din ng LGU ang mga pasahero na samantalahin ang libreng sakay sa ilalim ng QCity Bus habang patuloy na tumataas ang presyo ng produktong petrolyo sa mga nakalipas na lingo.
Matatandaan na nitong nakalipas na lingo pumasok sa isang kasunduan ang QC-LVU sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) upang tulungan na mabigyan ng karagdagang transportasyon ang mga commuters.