Mahigit 5 trilyong pisong national budget para sa susunod na taon, ilalaan sa 8 point socioeconomic agenda ng Marcos administration

Prayoridad na pagkagastusan ng Marcos administration para sa mahigit limang trilyong pisong national budget sa susunod na taon ay ang 8-point socioeconomic agenda.

Paliwanag ng Department of Budget and Management (DBM) na layunin nang paglalaan ng pondo sa 8 point socioeconomic agenda ng Marcos administration ay para matutukan ang immediate concerns ng bansa.

Ito ay ang food security, mapaganda ang public transportation, magkaroon ng affordable at clean energy, health care, education, social services, sound fiscal management at bureaucratic efficiency.


Ang 2023 national budget ay mas mataas ng 4.9 percent kumpara sa 2022 national budget.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaamn, ito ay magsisilbing roadmap para mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa at magbibigay ng mas marami at kalidad na trabaho sa loob ng anim na taon.

Facebook Comments