Umaabot na sa 51 Barangay sa Quezon City (QC) ang tapos nang ma-disinfect na bahagi ng patuloy na decontamination operations sa lungsod at umaabot na sa 595,000 food packs ang naipamahagi na rin sa mga taga QC.
Nilagdaan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang Executive order 24 o ang Liquor ban sa lunsod mula March 26 hanggang sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa April 15 para pagbawalan ang mga taga QC na mag inuman habang naka Quarantine.
Nakipag kasundo ang QC Government sa Rainbow Place Dormitory para pansamantalang maging tirahan ito ng mga Frontliners na hindi na nakakauwi ng kanilang tahanan.
Napag-alaman na mayroong 80 kuwarto ang Dormitoryo para sa mga health workers at frontliners mula sa public at private hospitals.
Patuloy naman ang Monitoring ng QC Price Coordinating Council sa mga pamilihan at palengke upang matiyak na walang magsasamantalang negosyante sa presyo ng kanilang panahon ngayong nasa krisis ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.