Marawi City – Mangangailangan ng mahigit 50 bilyong piso ang pamahalaan para sa Task Force Bangon Marawi.
Sa briefing at presentation ng DND sa Kamara, sinabi ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana na inisyal pa lamang ang hinihinging 50 bilyon para sa reconstruction sa Marawi.
Aniya, mismong ang Pangulo nang minsang dumalaw sa war zone ang nagsabing kukulangin ang hinihinging pondo.
Posibleng masimulan na sa mga susunod na Linggo ang unti-unting clearing operation at sa susunod na taon naman ang pag-uumpisa ng reconstruction na maaaring tumagal ng tatlong taon.
Samantala, pinava-validate ngayon ni Muslim Affairs Vice Chairman at Tawi-tawi Rep. Ruby Sahali ang ulat na lumalaganap ang prostitusyon sa mga bakwit sa Marawi.
Ayon kay Lorenzana, wala pa silang nakukuhang impormasyon tungkol sa pagkakasangkot sa prostitusyon ng mga bakwit.
Nakiusap si Sahali sa DND na bukod sa reconstruction sa ilalim ng Task Force Bangon Marawi, hiniling din nito na pangunahing pagtuunan ng pansin ang social integration at social healing sa mga kabataan at mga kababaihang nakaranas ng mas mabigat na epekto ng kaguluhan.