Inihayag ng pamunuan ng Cainta, Rizal Government na umaabot na sa 52 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Cainta, Rizal.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na limang barangay ang tinamaan ng COVID-19, ang pinakamarami ay ang Barangay San Isidro na pumapalo sa 19 na kumpirmado sa COVID-19. Sinundan ng Sto. Domingo na umaabot sa 12; pangatalo ang San Andres at San Juan na tig-10; at pang lima ay Barangay San Roque na umabot lamang na isa tinamaan at nagpositibo sa COVID-19. Habang ang dalawang barangay ay ang Sto. Niño at Sta. Rosa ay walang naitalang COVID-19.
Paliwanag ng alcalde, nakalulungkot isipin dahil nadagdagan ng tatlo ang nasawi umaabot an sa 9 ang kumpirmadong namatay sa COVID-19 at dalawa naman ang nakarekober kung saan limang ang inadmit sa hospital habang nasa 35 naman ang naka-home quarantine.
Dagdag pa ni Mayor Nieto, umaabot umano sa 193 ang person under investigations (PUIs) pinakamarami rito ay nasa Barangay Sto. Domingo na umabot sa 56, sinundan ng Barangay San isidro, 46; sumunod ang San Andres na umaabot sa 44, habang nasa 41 naman ang PUIs sa Barangay San Juan. Apat sa Sta. Rosa, dalawa sa San Roque at zero o walang naitalang PUI sa Barangay Sto. Niño.
Pinakiusapan ng alkalde ang lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal dahil ginagawan naman ng paraan ng Lokal na Pamahalaan ng Cainta na mabibigyan ng relief goods at pagkain ang lahat ng kanyang mga nasasakupan kung saan marami umano ng nagbayanihan at magboboluntaryong tumulong sa mga mahihirap na residente mg Cainta, Rizal.