Mahigit 50% ng quarantine violators sa bansa, naitala sa Luzon ayon sa JTF COVID Shield

Maraming mga pasaway na nasisita, napagmumulta at naaaresto ng mga pulis dahil sa paglabag sa quarantine protocols ay galing sa Luzon.

Sa datos ng Joint Task Force COVID Shield, umabot na sa 445, 595 ang quarantine violators mula March 17 hanggang October 5, 2020.

58% dito o katumbas ng 256,978 ay galing sa Luzon.


Karamihan sa mga ginawang paglabag ng mga violators ay ang hindi pagsusuot ng face mask at walang social distancing.

Kasama rin dito ang pag-iinuman, pagdalo sa mga party at maging pagsusugal.

22% o katumbas ng 99,097 naman ang quarantine violators sa Visayas.

Habang 20% o katumbas ng 89,520 ang naitalang quarantine violators sa Mindanao.

Facebook Comments