Nagpatupad na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC-DRRMC) ng preemptive evacuation sa ilang pamilya sa lungsod dahil sa mga pag-ulang dala ng Habagat at Bagyong Egay.
Ayon sa QC government, as of 7:54 AM ay mayroon nang 52 pamilya o katumbas ng 188 na indibidwal ang inilikas sa Brgy. Bagong Silangan.
Paliwanag pa QC government, mga 277 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa Bagong Silangan Elementary School, 20 pamilya sa isolation center, tatlong pamilya sa Bagong Silangan High School habang may dalawang pamilya rin ang nanunuluyan sa lumang palengke.
Dahil sa pag-iral ng Bagyong Egay, inaasahan pa rin ang masungit na panahon at posibilidad ng thunderstorms na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga flood-prone area sa QC.