Mahigit 50 pasahero, stranded sa Bicol dahil sa bagyo

Mahigit 50 pasahero ang stranded ngayon sa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG),  bandang alas-8 ng kagabi, aabot sa 54 pasahero ang nanatili sa pantalan makaraang maging ganap na bagyo  ang binabantayang Low Pressure Area ng pagasa.

Alinsunod HPCG Memorandum Circular Number 02-13 hindi pinayagang makabiyahe ng PCG ang mga sasakyang pandagat dahil sa masamang panahon.


Facebook Comments