Nakatakdang dumating sa NAIA 1 mamayang gabi ang mahigit 500 Filipino seafarers na sakay ng dalawang barkong na-stranded sa Miama,Florida sa Amerika.
Ang naturang Pinoy crew members ay mula sa mga barkong Costa Favolosa at Costa Majica.
Sila ay dadating mamayang gabi sa bansa sakay ng dalawang Ethiopian Airlines Boeing 777 mula Orlando, Florida.
Dumaan muna ang dalawang eroplano sa Addis Ababa, Ethiopia para magrefuel bago dumiretso ng Manila.
Una nang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga crew ng dalawang barko matapos na ma-delay ang repatriation sa kanila.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung dadalhin sa quarantine areas ang mga dadating na OFWs o sila ay sasailalim na lamang sa self-quarantine lalo na’t sila ay nakapag-quarantine na rin sa loob ng barko sa nakalipas na tatlong linggo.
Daan-daan pang Pinoy crew members sa Miami Port ang naghihintay ng order ng kanilang management hinggil sa kanilang susunod na destinasyon.