Mahigit 500 indibidwal, stranded sa Bicol dahil sa Bagyong Ofel

Abot sa 526 indibidwal na ang stranded sa Bicol Region dahil sa epekto ng Bagyong Ofel.

Batay sa report ng Office of Civil Defense 5 kaninang alas-8:00 ng umaga, may 414 na mga stranded sa Sorsogon habang 112 naman ang stranded sa Albay.

Bukod dito, nakapagtala rin ang OCD 5 ng 41 light vehicles, at 17 sea vessels na stranded.


Sa kasalukuyan, naka-Blue Alert status na ang Bicol Disaster Risk Reduction and Management Council sa paghahanda sa epekto ng Bagyong Ofel.

May inilabas na rin silang memorandum sa lahat ng Local DRRMC upang ipatupad ang Response Plans at Contingency Plans.

Facebook Comments