Mahigit 500 klase at ilang pasok sa trabaho suspendido pa rin dahil sa epekto ng nagdaang sama ng panahon

Nasa kabuuang 554 na mga klase parin ang nananatiling suspendido ngayong araw dahil sa epekto ng sama ng panahon bunsod ng pinagsamang Low Pressure Area (LPA), northeast monsoon at shearline.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, partikular ang class suspensions sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 134 tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde rin ng pasok sa trabaho.


Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod nang naranasang pagbaha ng mga nabanggit na rehiyon sa bansa kung saan ang mga paaralan ang pansamantalang tinutuluyan ng mga apektadong indibidwal.

Facebook Comments