Mahigit 500 libong halaga ng shabu sa Valenzuela nakumpiska, 3 suspek arestado

Huli ang tatlong drug suspek sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Balanti St. Ugong, Valenzuela City.

Kinilala ang mga ito na sina; Edgardo Dantes; Jovienal Nallano at Gina Tayahop.

Sa ulat ng Northern Police District, nakuha sa mga suspek ang 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000.00.


Nakuha rin ang 15,000 boodle money, 700 pesos cash, tatlong cellphone, isang itim na pouch at dalawang sasakyan.

Sa ngayon nakakulong na ang mga suspek at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments