Monday, February 9, 2026

Mahigit 500 libong indibidwal, naapektuhan ng Bagyong Basyang; bilang ng nasawi umakyat na sa 12, 36 sugatan—NDRRMC

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot na sa mahigit 500 libong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Basyang.

Kung saan katumbas ito ng nasa mahigit 100 libong pamilya sa 1,201 na mga barangay sa Region 6,NIR, Region 7,8,10,11 at CARAGA.

Kaugnay nito, nasa mahigit 55,000 na mga indibidwal o katumbas ng mahigit 15,000 na mga pamilya ang nananatili sa halos 400 evacuations centers.

Habang nasa mahigit 81,000 na mga indibidwal o katumbas ng mahigit 7,000 naman ang nananatili sa labas ng mga evacuation.

Samantala, nasa 12 naman ang naiulat na nasawi, 9 na indibidwal dito ay mula sa Region 10 at 3 naman sa CARAGA region.

Nasa 36 naman na indibidwal ang naiulat na injured at halos ang lahat ng ito ay naiatala mula sa Region 10.

Facebook Comments