Mahigit 500 na kilo ng shabu, nasamsam ng NBI

Manila, Philippines – Iprinisinta ng National Bureau of Investigation sa media ang mahigit 500 kilo ng shabu na nasamsam sa kanilang operasyon sa Lungsod ng Valenzuela nuong Sabado.

Ang 505 kilo ng shabu ay nasa kustodiya na ng Forensic Chemistry Division ng NBI.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, base sa paunang pagsusuri ng Forensic Chemistry Division, lumalabas na ang nasamsam na mga kontrabando ay pawang high-grade shabu.


Ang operasyon ay ikinasa ng NBI base sa impormasyong natanggap ng Bureau of Customs mula sa Office of National Narcotics Control Commission ng China na nagsabing may malaki umanong shipment ng iligal na droga na patungo sa Pilipinas galing sa China.

Isinakatuparan ang operasyon katuwang ang PDEA, Valenzuela Police at BOC.

Nasamsam ang mga kontrabando na nakasilid sa loob ng mga crate sa isang brokerage warehouse sa Valenzuela City sa tulong ng mga drug detection dog.

Nauna nang pinangalanan ng Bureau of Customs ang dalawang suspek na naaresto sa nasabing operasyon na si Fidel Anoche Dee at kanyang kapatid na pawang mga tumanggap sa pagdating ng nasabing kontrabando.
DZXL558

Facebook Comments