Ipinagmalaki ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa 503 na mga sasakyan ang na-impound nila sa loob lang ng isang linggong operasyon.
Ito’y mula December 2 hanggang December 8, 2022.
Ayon kay HPG Director Police BGen. Clifford Gairanod, sa naturang bilang ay 422 ang motorsiklo at 81 naman ang mga kotse.
Paliwanag pa ni Police BGen. Gairanod, dahil sa maigting na kampanya ngayong magpapasko, 18,404 na mga motorista na ang nabigyan nila ng ticket dahil sa samu’t saring mga paglabag sa batas trapiko.
Kasama rito ang illegal horn at siren, pagkakaroon ng blinker, modified muffler at mga sasakyan na mayroong logo ng PNP.
Samantala, maliban diyan ay sinabi rin ni PBGen. Gairanoid na 17 mga indibidwal naman ang kanilang naaresto na sangkot sa carnapping.