Mahigit 500 pulis, tutulong sa BuCor sa pagpapatupad ng reporma sa Bilibid

Magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 551 pulis sa Bureau of Corrections para tumulong sa ipatutupad na agresibo at malawakang reporma sa New Bilibid Prison.

Ito ay para matiyak din ang kaligtasan ng ni BuCor General Gerald Bantag at mga tauhan nitong magpapatupad ng reporma.

Si Bantag ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos tanggalin sa puwesto si Nicanor Faeldon.


Inatasan ng Pangulo si Bantag na labanan ang korapsyon at pangunahan ang pagsasagawa ng reporma sa kagawaran.

Inutusan naman ni NCRPO Major General Guillermo Eleazar ang kanyang mga tauhan na huwag susubukang sirain ang tiwalang ibinigay sa kanila ng BuCor.

Pansamantala namang itatalaga sa bilibid sa mga pulis habang ine-evaluate ni Bantag ang kanyang mga tauhan.

Facebook Comments