Mahigit 500 traffic personnel, ide-deploy sa mga school zone sa pagbubukas ng klase ayon sa MMDA

Aabot sa 581 traffic personnel ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga school zone at mga lansangan malapit sa eskwelahan sa Metro Manila.

Katuwang ng Department of Education (DepEd) ang MMDA para matiyak na maayos at ligtas ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong buwan.

Ayon kay MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III, tuloy-tuloy rin ang kanilang pagpipinta sa mga pedestrian lane ganoon din ang paglalagay ng traffic at road sign para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.


Sa muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22, inaasahang ang mas dadami pang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Dahil dito, ipatutupad na rin ng MMDA simula ngayong araw ang expanded number coding scheme sa morning rush hour simula 7 AM hanggang 10 AM at ang dating oras na 5 PM hanggang 8 PM.

Facebook Comments