Mahigit 5,000 bagong gumaling sa COVID-19 ayon sa DOH

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 5,595 na gumaling sa COVID-19 sa bansa.

17,231 naman ang karagdagang kaso ng COVID-19 habang 317 ang bagong nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 123,251 ang aktibong kaso.


Sa ngayon, umabot na sa 1,807,800 ang kabuuang kaso sa bansa, 1,653,351 ang mga gumaling, at 31,198 ang mga namatay.

Facebook Comments