MAHIGIT 5,000 BENEPISYARYO, MAPAPAMAHAGIAN NG CASH ASSISTANCE

CAUAYAN CITY- Limang probinsya sa rehiyon dos ang mabibigyan ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and Families ngayong araw ika-10 ng Hunyo.

Ang nasabing pondo ay personal na iaabot ni President Ferdinand “Bong Bong” Marcos” sa mga gobernador ng bawat lalawigan sa Rehiyon.

Ayon kay Presidential Communications Office ASec. Joey Villarama, hindi bababa sa sampung milyong piso ang ibigay na pondo bawat probinsiya kung saan hindi naman lalagpas sa isang libo ang benepisyaryo bawat lalawigan.


Aniya, may mga listahan na ng benepisyaryo ang makakatanggap sa Lambak ng Cagayan kung saan ito’y maingat na beneripika.

Watch more balita here:𝗣𝟭𝟰.𝟰 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Layunin ng programa na matulungan ang mga mangingisda, magsasaka at pamilyang apektado ng El Niño Phenomenon.

Samantala, mahigit 710 milyong piso na ang naipamahagi ng opisina sa mga probinsiya sa buong bansa.

Facebook Comments