Umabot sa 5,500 family food packs ang kasalukuyang dinidiskarga ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding Bagyong Kristine sa Batanes bilang tulong na rin sa mabilis na pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Ayon sa DSWD, tulong-tulong nilang diniskarga ang mga family food packs (FFP) sa Pier 13 para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo kung saan tulong-tulong na ikinakarga ang mga kahon ng FFPs sa tatlong truck na may tig-1,600 Family Food Packs at isang truck na may 700 Family Food Packs katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG).
Paliwanag ng DSWD, inaasahang darating ang karagdagang truck na magdadala ng 1,600 Family Food Packs
Hinikayat din ng DSWD ang publiko na magbayanihan sa paghahatid nang maagap at mapagkalingang serbisyo sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ni Bagyong Kristine.