Mahigit 5,000 indibidwal na apektado ng landslide sa Maco, Davao De Oro, nananatili muna sa iba’t ibang evacuation centers

Umaabot sa 1,250 pamilya o katumbas ng 5,227 indibidwal ang apektado ng nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro kamakailan.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga ito ay pansamantalang nanunuluyan sa 10 mga evacuation center.

Samantala, nakapagtala din ng 62 kabahayan sa Maco, Davao de Oro na totally damaged o hindi na maaari pang tirahan.


Sa ngayon puspusan ang ginagawang pagsaklolo ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal.

Pinaniniwalaan kasing nasa mahigit 100 indibidwal pa ang na trap mula sa gumuhong lupa.

Sa pinaka-huling datos, sumampa na sa 11 ang death toll at 31 residente naman ng gold-mining mountain village ang nailigtas ng mga awtoridad.

Facebook Comments