Mahigit 5,000 mag-aaral sa Pasay City, tatanggap ng financial assistance ngayong araw

Nasa 5,745 na estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Pasay ang makakatanggap ng financial assistance mula sa Pasay City Government.

Isasagawa ang distribusyon ng cash aid mula ngayong araw, June 1 hanggang June 4 .

Kabilang sa napiling eskwelahan na bibigyan ng ayudang pinansyal ay ang Timoteo Paez Elemenetary School at ang Apelo Cruz Elementary School .


Sa Timoteo Paez Elemenetary School, abot sa 4,401 ang target na mapagkalooban ng financial assistance.

Aabot naman sa 1,134 na student beneficiaries ang makatatanggap ng financial assistance sa
ApeloCruz Elementary School.

Layon ng FASP program na makaagapay ang mga estudyante sa mga gastusin sa pag-aaral sa gitna ng new normal.

Facebook Comments