Mahigit 5,000 na mga indibidwal, nanatili pa rin sa iba’t ibang evacuation centers sa QC

Nasa 1,484 na pamilya o katumbas ng 5,229 na mga indibidwal ang nananatili pa rin sa iba’t ibang evacuation centers sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City LGU, karamihan sa mga nagsilikas ay nagsibalikan na sa kanilang mga bahay kagabi.

Matatandaan noong kasagsagan ng hagupit ng Bagyong Kristine, halos 3,000 pamilya o mahigit 10,000 na mga indibidwal ang inilikas ng lokal na pamahalaan dahil sa mga naranasang pagbaha sa lungsod.


Isinailalim na rin sa state of calamity ang Quezon City.

Facebook Comments