Mahigit 5,000 Pamilya, Tumanggap ng Cash Aid sa Bagyong Rosita

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ang nasa mahigit 5,000 pamilya sa Lungsod ng Cauayan na apektado ng nagdaang Bagyong Rosita taong 2018.

Ayon kay Lolita Menor, City Social Welfare and Development Officer, ipinagbigay-alam na rin ng kanilang tanggapan na magkakaroon ng second batch ng pamimigay ng ayuda sa iba pang pamilyang nasalanta ng nasabing bagyo.

Aniya, may ilang paraan pa naman para makakuha ng ayuda ang mga hindi nabigyan subalit apektado ng pananalasa ng bagyo gaya na lamang ng mga ‘unclaim’ o hindi na makakuha kaya’t magkakaroon ng replacement beneficiaries.


Anumang araw ay ilalabas na ang ikalawang bugso ng pamimigay ng ayuda para sa natitira pang mahigit 2,000 pamilya.

Bukod dito,may paraan pa naman para makuha ang ayuda kung talagang walang pagkakataon na makuha ito ng mismong listed beneficiaries gaya ng kinakailangan na kasama ito sa family composition o miyembro ng pamilya tulad ng anak.

Magkakaroon ng verification ang tanggapan ng CSWD bago ang pay-out sa second at third batch ng cash aid ng Bagyong Rosita.

Isa ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamaraming naitalang malaking pinsala sa mga kabahayan ng manalasa ang bagyo.

Facebook Comments