Mahigit 5,000 pasahero, stranded sa mga pantalan ayon sa PCG

Stranded ang mahigit 5,000 indibidwal sa mga pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Opong.

Sa pinakabagong datos ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw, umabot na sa 5,520 na mga pasahero at mga driver ng rolling cargoes ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Samantala, stranded din ang 114 vessels, 53 motorbancas at 2,701 rolling cargoes.

Habang nakasilong naman ang 419 vessels at 118 motorbancas bilang pag-iingat sa epekto ng Bagyong Opong.

Kaugnay nito, ang mga nasabing ulat ay nagmula sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern at Northeastern Luzon, Bicol, Northeastern Mindanao, gayundin sa Central, Eastern at Northern Visayas.

Facebook Comments