Mahigit 5,000 police assistance desk, ipinoste ng PNP sa iba’t ibang sementeryo sa bansa

Umaabot sa 5,784 na police assistance desks ang itinalaga ng Philippine National Police (PNP) ngayong Undas.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ito ay bilang pagtitiyak ng Pambansang Pulisya ng kanilang kahandaan sa pagtugon sa anumang insidente ngayong ginugunita ang Pista ng Patay.

Ani Azurin, ang nasabing bilang ay para sa 4,769 public cemeteries, memorial parks at mga kolumbaryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Paliwanag pa nito, mahigpit ang bilin nya sa mga pulis na panatilihin ang kaayusan at seguridad ngayong Undas.

Samantala, nagpaalala naman siya sa mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na sumunod sa alituntin ng sementeryo at huwag magdala ng ipinagbabawal na kagamitan.

Nabatid na ngayong Undas, nakataas na sa full alert ang status ng PNP.

Facebook Comments