Mahigit 5,000 police officers, natanggal sa serbisyo sa panahon ni Pangulong Duterte

Umabot na sa mahigit 5,000 police officers ang natanggal sa serbisyo magmula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto noong 2016.

Ayon kay Department on the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kabuuan itong 5,178 pulis kasama ang 50 jail officers at 16 fire officers.

Nitong Hunyo, nasa 84 police officers ang nagpositibo sa iligal na droga at natanggal sa serbisyo habang 28 ang naaresto.


Una na ring inilabas ng Department of Justice (DOJ) ang review sa 52 kaso ng drug war killings mula Philippine National Police (PNP) na walang sapat na ebidensyang nagpaputok ng baril ang mga nasawing drug suspek sa kabila ng claim ng mga pulis na sila ay nanlaban.

Facebook Comments