Nasa 5,234 police personnel ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) para umagapay sa nagpapatuloy na Search and Rescue operations sa mga lugar na hinahagupit ng Bagyong Enteng at Habagat.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, karamihan sa mga pulis ay nakatalaga sa mga evacuatiom centers upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
Sentro ng Humanitarian Assistance and Disaster Responce ng kapulisan ang Regions 4A, 5 at National Capital Region (NCR).
Ani Fajardo, kagabi pa lamang ay activated na ang Law and Order cluster na ang Pambansang Pulisya ang siyang lead agency katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Inatasan narin ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang lahat ng regional directors na paganahin ang kanilang Regional Disaster Incidence Management Task Group upang mayroon silang susundang mga protocols sa pagsasagawa ng humanitarian assistance and disaster response operations.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang monitoring ng PNP sa mga lugar na apektado ng malakas na ulan at pagbaha bunsod ng Bagyong Enteng at Habagat.