Mahigit 50,000 indibidwal, naaresto ng PNP sa war on drugs ngayong taon

Mahigit 50,000 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang kampanya kontra iligal na droga ngayong 2020.

Sa budget hearing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kamara, sinabi ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na aabot sa 50,429 ang naaresto sa war on drugs ng pamahalaan sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 31, 2020.

Aabot naman sa ₱14.537 billion ang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska sa buong bansa ngayong taon.


Sumuko naman sa pulisya ang nasa 2,213 na mga sangkot sa iligal na droga habang 623 ang naitalang nasawi sa anti-drug operations ng PNP ngayong 2020.

Pinagsusumite naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang PNP ng mga dokumento sa inquest proceedings gayundin ng inventory sa mga nakumpiskang armas mula sa mga nasawi sa operasyon laban sa iligal na droga.

Sa budget ng DILG at mga attached agencies nito sa 2021 ay umaabot sa ₱244.309 billion o 2% na mas mataas kumpara sa ₱239.843 billion ngayong 2020.

Facebook Comments