
Marami-rami pa rin ang mga pamilyang nananatili sa mga evacuation center, dalawang linggo matapos ang pagtama ng mga bagyo at habagat sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, nasa mahigit 50,000 na indibidwal pa o katumbas ng 14,000 families ang nananatili sa 551 na mga evacuation centers.
Nasa 16,351 namang pamilya o 60,773 na indibidwal ang nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Sa ngayon, aabot na sa 2.5 milyong mga pamilya o katumbas ng 9.1 million individuals ang naapektuhan ng Bagyong Crising, Dante at Emong maging ng habagat.
Pumalo naman sa P900.1 million ang tulong na ibinigay ng pamahalaan sa mga apektado ng kalamidad.
Facebook Comments









