Mahigit 50,000 na Tinamaan ng COVID-19 sa Isabela, Nakarekober

Cauayan City, Isabela- Gumaling na mula sa sakit na COVID-19 ang mahigit 54,000 na tinamaan ng naturang virus sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 1, 2021, mayroon ng 54,980 na kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Lalawigan.

Umaabot naman sa 59, 271 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa probinsya kabilang na dito ang 106 na panibagong kaso.


Nadagdagan din ng apat (4) ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 kung saan aabot na sa 1, 917 ang total related deaths.

Ang Lalawigan ng Isabela ay sumasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions simula ngayong unang araw ng Nobyembre hanggang 30, 2021.

Facebook Comments