Mahigit 50,000 testing kits mula sa Chinese billionaire na si Jack Ma, natanggap na ni Senator Manny Pacquiao

400-milyong pisong halaga ng 57,000 COVID-19 testing kits ang natanggap ngayon ng Foundation ni Senator Manny Pacquiao na donasyon mula sa kaibigang Chinese billionaire at Alibaba founder na si Jack Ma.

Agad naman itong ipinadala ni Senator Pacquiao sa main office ng Department of Health o DOH at tinanggap nina San Lazaro Hospital Infectious Disease Head Scientist Dr. Rongene Solante at ng mga kinatawan ng Philippine General Hospital (PGH).

Nagbigay din si Jack Ma kay pacquiao ng 500,000 face masks na bukod pa sa 700,000 face masks na naunang ipinagkaloob ni Pacquiao sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Metro Manila Development Authority at DOH.


Ayon kay Pacquiao, hihilingin niya sa DOH na iprayoridad na makinabang sa nabanggit na testing kits ang mga mahihirap.

Tiniyak ni Pacquiao, na patuloy syang hahanap ng paraan para makatulong sa paglaban ng ating bansa sa COVID-19.

Facebook Comments