Mahigit 50K mga bata, nabakunahan na ng polio vaccine ng PRC

Umabot na sa 51,413 na mga bata ang nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) sa ilalim ng Sabayan Patak Kontra Polio.

Ayon sa PRC, aktibong lumahok ang kanilang chapter sa National Capital Region (NCR) at Mindanao partikular na sa Davao City, Davao del Sur at Lanao del Sur sa pagbabakuna.

Mga batang may edad 5 taong gulang pababa ang binabakunahan ng PRC.


Mayroon silang Vaccination Team sa bawat barangay na mayroong 4 volunteers  team leader, health educator, recorder at  vaccinator.

Pinapaliwanag sa mga magulang ng bata ang kahalagahan ng pagpapabakuna dahil nabatid na base sa tala ng Department of Health o DOH ay 95 percent ang ibinaba sa polio vaccination noong nakaraang taon.

Facebook Comments