Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 87.06% o katumbas ng 53,147 indibidwal ang nagnegatibo sa COVID-19 test.
Ito ay mula sa kabuuang 61,049 indibidwal na kanilang isinailalim sa pagsusuri.
Nilinaw din ng DOH na ang iba sa kanilang mga sinuri ay sumailalim sa repeat test para makasiguro.
Patuloy naman, anila, ang pag iikot ng DOH team upang ma-assess ang mga laboratoryong nag-a-apply para sa lisensya ng kanilang COVID-19 laboratories.
Sa ngayon, mayroon nang 17 lisensyadong COVID-19 laboratories sa bansa.
Facebook Comments