Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 55,465 katao na ang naisailalim nila sa COVID-19 test sa buong bansa.
Ayon kay Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay mayroon ng kabuuang 34,350 tests.
- Baguio General Hospital and Medical Center: 3,107 tests
- Vicente Sotto Memorial Medical Center: 2,699 tests
- Southern Philippines Medical Center: 2,402 tests
- Lung Center on the Philippines: 2,365 tests
- Western Visayas Medical Center – 1,903 tests
- Saint Lukes Medical Center Bonifacio Global City – 1,646 tests
- Saint Lukes Medical Center QC – 1,612 tests
Aniya, 8,000 kada araw ang target nilang maisailalim sa COVID test.
Tiniyak din ng DOH ang patuloy nilang pagtutok sa medical supplies sa COVID Hospitals sa buong bansa.
Sinabi ni Under Secretary Vergeire na nagrequest na rin sila ng 1.3-million pesos na halaga ng ventilators para sa COVID patients.
Pinapayuhan naman ng DOH ang publiko na iwasan na magtungo sa mga lugar na may mga kaso ng COVID-19.
Ingatan din aniya ang mga kasama sa bahay na may high-risk sa COVID tulad ng matatanda, mga buntis at may ibang karamdaman.
Ayon pa kay Under Secretary Vergeire, mainam namang gumamit ng cloth mask at panatilihin pa rin ang kalinisan sa katawan.
Sa ngayon aniya ay kailangan ding panatilihing kanselado ang pasok sa mga paaralan.