Mahigit 56 na libong mga PNP personnel at iba pang unit ng pamahalaan, inaasahang magbabantay sa darating na undas

Inaasahan na nasa kabuuang mahigit 56 na libong Philippine National Police (PNP) Personnel kasama ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Force Multipliers —kagaya ng tanod, at iba pang unit ng pamahalaan ang magbabantay sa darating na undas.

Sa datos na binigay ng ahensya, nasa mahigit 25 na libong mga PNP personnel ang idedeploy sa buong bansa.

Sa ginanap na pulong pambalitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson at Chief, Public Information Office (PIO) Police Brigadier General Randulf T. Tuaño, na ang binigay na numero ng mga idedeploy na PNP personel ay pansamantala at maaari pang madagdagan kung kinakailangan.

Kaugnay nito, idedeploy ang mga nasabing personnel sa mahigit limang libong sementeryo, memorial park, at columbarium.

Ayon pa kay Chief Tuaño, maglalaan din ng mahigit limang libong police assistance desk at mahigit isang libong motor assistance sa mga nasabing lugar ang ahensya.

Layon nito na masiguro ang kaligtasan at mapanatili ang kaayusan sa darating na Undas.

Facebook Comments