Umabot na sa mahigit 50,000 barangay sa Quezon City ang nakapagpamahagi na ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa 57,008 na pamilya naman ang nakatanggap na ng ₱8,000 cash assistance.
Ang DSWD ay nakapag-distribute ng mahigit 377,800 na SAC forms para sa Quezon City.
Ngayong araw naka-schedule ang pay-out para sa sumusunod na mga barangay:
– Baesa
– Bagbag
– Bagong Silangan
– Batasan
– Commonwealth
– Culiat
– Kaligayahan
– Pasong Putok
– Pasong Tamo
– Payatas
– Sangangdaan
– Sauyo
– Sta. Lucia
– Tandang Sora
Payo ng QC LGU sa mga residente ng bawat barangay, kung ang inyong pamilya ay kwalipikadong sa SAP, kontakin ang iyong mga punong mga barangay sa: https://tinyurl.com/QCBarangayDirectory o https://tinyurl.com/QCBarangayFBPages
Para naman sa mga hindi nakasama sa listahan ng DSWD, huwag mag-alala dahil bibigyan sila ng 4,000 mula sa Lokal na Pamahalaan.