Mahigit 58,000 na pasahero, naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3 kahapon, Rizal Day

Aabot sa mahigit 58,000 ang mga pasaherong naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit (MRT) Line-3, kahapon, December 30, 2022 kasabay ng paggunita sa Rizal Day.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nasa 58,506 ang bilang ng mga pasahero naserbisyuhan ng kanilang libreng sakay.

Samantala, tuloy-tuloy ang operasyon ng MRT-3 ngayong bisperas ng Bagong Taon, ika-31 ng Disyembre, 2022.


Umalis ang unang biyahe ng tren kaninang 4:37 ng madaling araw mula sa North Avenue station at 5:18 ng madaling araw naman mula sa Taft Avenue station.

Aalis ang huling biyahe ng tren mamayang 7:48 ng gabi mula sa North Avenue station at 8:26 ng gabi naman mula sa Taft Avenue station.

Facebook Comments