Nasa mahigit limang libong pamilya o katumbas ng 18,562 na indibidwal ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers kasunod ng mga nagdaang bagyo.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 5,339 na pamilya pa ang nasa evacuation centers sa Bicol at National Capital Region (NCR).
Nasa 185,249 na pamilya naman o 650,160 indibidwal na inilikas ang nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.
Sa ngayon, ipinag-utos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang full mobilization para sa relief efforts sa mga komunidad na apektado ng Bagyong Pepito.
Nasa 7 barko at 239 na land mobility at surface vehicles na rin ang dineploy upang sumuporta sa humanitarian assistance at disaster response operations ng pamahalaan.
Facebook Comments