Mahigit 6.4 milyong mga mag-aaral na ang nakapag-enroll para sa School Year (SY) 2020-2021.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, naitala ito mula Hunyo a-uno hanggang alas-9 kaninang umaga.
Aniya, lumagpas sa inaasahan nilang bilang ang mga nag-enroll sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Gayunman, aminado si Briones na nag-aalala sila sa sitwasyon ng mga mag-aaral sa National Capital Region (NCR) lalo’t karamihan sa kaso ng COVID-19 ay narito.
Kaugnay nito, nanindigan si Briones na mahigpit na pagbawalan ang face-to-face classes hangga’t walang available na bakuna laban sa Coronavirus sa bansa.
Pagtitiyak pa ng kalihim, tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda para maipatupad ang blended learning para mabigyan ng edukasyon ang mga mag-aaral sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Nakatakdang magbukas ang SY 2020-2021 sa Agosto 24 at magtatapos sa Abril ng susunod na taon.