Mahigit 6-K trabaho, alok sa Independence Day Mega Job Fair ng DMW

Aabot sa 6,558 na trabaho ang alok ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.

Ito’y sa pamamagitan ng 21 participating recruitment agencies na nais makatulong sa mga naghahanap ng trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang kanilang Pre-Employment and Government Placement Bureau ang mangangasiwa sa Job Fair na sisimulan ng alas-10 ng umaga at tatagal hanggang alas-4 ng hapon.


Hinihikayat naman ang mga aplikante na magdala ng maraming resume para sa mas malaking tyansa na makahanap ng trabaho.

Sa ngayon, dagsa na ang mga aplikante rito na galing pa sa iba’t ibang mga lugar.

Facebook Comments