Mahigit 6 milyong apektadong indibidwal dulot ng Super Typhoon Uwan, naitala ng DSWD

Umakyat sa 6,379,158 na indibidwal o katumbas ng 1,822,699 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Uwan.

Ayon ito sa huling ulat na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Management Response (DRM).

Ayon sa ahensya, mula ang bilang sa mga 14 na rehiyon na tinamaan ng bagyo kabilang ang Bicol Region, Central Visayas, at Negros Island.

Bumaba sa 125,117 na pamilya o mahigit apat na raang libong indibidwal naman ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.

Habang bumaba rin sa 256,843 na katao o 72,025 na pamilya ang nasa labas ng evacuation centers na nananatili sa kani-kanilang mga kaanak o kaibigan.

Samantala, umakyat sa 11,827 na mga bahay ang tuluyang nawasak ng bagyo habang 93,353 ang partially damage.

Dahil dito, umabot naman sa mahigit 303.4 million pesos ang napamahaging humanitarian assistance ng DSWD aa mga nasalanta ng bagyong Uwan.

Facebook Comments