Mahigit 60 Kilo ng Karne ng Baboy, Nakumpiska sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa mahigit 60 kilo ng karne ng baboy ang nakumpiska ng City Veterinary Office kahapon sa palengke ng Lungsod ng Cauayan.

Nakumpiska ang mahigit 52 kilos ng karne ng baboy sa pag-iingat ni Michelle Maginapim, 29 anyos, negosyante, residente ng District 2, Cauayan City habang ang higit 5 na kilo ay nakumpiska mula kay Heidilizmarie Lucas na taga Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa City Veterinary Office, bahagi ito ng kanilang pagpapatupad sa inilabas na memorandum ng DA na muling paigtingin ang pag-inspeksyon sa mga ibinebentang karne at meat products sa mga palengke.


Ayon kay Ms. Apple Jane Taguiam, meat inspector ng City Veterinary Office, hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ang kanilang mga nakumpiskang karne ng baboy.

Lalo pa aniyang hihigpitan ng kanilang tanggapan ang pag-inspeksyon sa mga pamilihan at mahigpit na pagbabawal sa pagkatay ng baboy na hindi dumaan sa tamang proseso at pagsusuri.

Facebook Comments