Mahigit $60-M na EDCA projects, matatapos sa susunod na 2 taon

Inanunsyo ng Department of National Defense (DND) ang pagpapatupad ng $66.5 million na halaga ng proyekto sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon sa DND, ang mga proyekto ay nakatakdang makumpleto sa susunod na dalawang taon.

Kinabibilangan ito ng training at warehouse facilities sa Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija, at Lumbia Airport Base Station sa Cagayan de Oro.


Una nang sinabi ni DND officer-in-charge (OIC) Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., na ang mga karagdagang pasilidad ay gagamitin bilang pang-suporta sa balikatan exercises sa pagitan ng AFP at U.S. military.

Nilinaw ni Faustino na ang mga itatayong proyekto ay hindi base-militar ng mga Amerikano dahil bawal ito sa batas; bagkus, ang mga ito ay pasilidad ng Pilipinas na gagamitin sa pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo.

Facebook Comments