Mahigit 60 migrante mula Africa, patay matapos tumaob ang sinasakyang bangka malapit sa Yemen

Isang bangka ang tumaob sa karagatan ng Yemen na ikinasawi ng 68 African migrants habang 74 iba pa ang nawawala.

Ayon kay Yemen International Organization for Migration Leader Abdusattor Esoev, mahigit 100 ang sakay ng bangka na pawang mga migranteng Ethiopian na lumubog sa Gulf of Aden sa katimugan ng Abyan ng Yemen.

12 migrante lamang ang nakaligtas sa pangyayari at ang mga nawawala ay pinangangambahang nasawi na rin.

Ang trahedya ang pinakabago sa serye ng mga shipwreck sa labas ng Yemen na pumatay na ng daan-daang mga African migrants na tumakas sa labanan at kahirapan sa kanilang bansa.

Facebook Comments