Mahigit 60 na bagong recruit ng MNLF, hinarang sa Zamboanga City at Zamboanga Sibugay

Zamboanga – Dalawampu’t pitong mga bagong recruit ng Moro National Liberation Front o MNLF ang dinala kanina bago magtanghali sa pulisya ng Divisoria sa lungsod ng Zamboanga, matapos makita ang mga ito sa isang bahay sa Daisy road, Barangay Guiwan.

Ang mga ito ay pawang mga residente ng lalawigan ng Basilan, kung saan pito sa mga ito ang menor de edad.

Ayon kay Divisoria Police Senior Inspector Arlan Delumpines, may natanggap silang impormasyon mula sa mga tao sa lugar dahil natakot sa presensya ng mga ito.


Sinabi ni Delumpines sa pag-imbestiga nila sa mga ito nalaman na sinabihan umano sila na kapag pumasok sa MNLF ay magiging bahagi na rin sila ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Samanatala, hinold rin sa checkpoint ng militar sa Ipil, Zamboanga Sibugay ang 40 na mga kalalakihan galing sa lalawigan ng Basilan na umanoy kasamahan ng unang hinarang sa Zamboanga City.

Patungong Lanao umano ang mga ito para isailalim sa isang training.

Ang lahat ng mga kalalakihan isinailalim sa bio-profiling, at inaasahan pababalikin sa lalawigan ng Basilan.

Samantala, ayon naman sa commander ng joint task force Basilan Col. Juvymax Uy, walang recruitment ang nagaganap sa lalawigan ng Basilan at walang katotohanang pagpapasok sa MNLF ay maging parte ng AFP balang araw.

Facebook Comments