Mahigit 60 na kahon ng smuggled na sigarilyo, nasamsam sa apat na indibidwal sa Laguna

Nasakote ang apat na indibidwal matapos na masamsam ang ilang kahon ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang operasyon sa San Pablo City, Laguna,

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas ‘Jobert’, alyas ‘Jerick’, alyas ‘Grace’, at alyas ‘Frank’.

Aabot sa 60 na kahon ng iba’t ibang brand ng mga sigarilyo na may halagang nasa mahigit P800,000 ang nakumpiska sa mga suspek.

Nang hingian ng kaukulang dokumento ng awtoridad ang mga suspek ay wala itong maipakita dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na mahaharap sa patong-patong na reklamo.

Facebook Comments