Mahigit 60 na matataas na kalibre ng baril at daang bala, narekober sa Omar, Sulu

Manila, Philippines – Mahigit animnapung matataas na kalibre ng mga baril
at daang bala ang narekober sa nagpapatuloy na military operations laban sa
lawless element sa Omar, Sulu.

Pinangunahan ng tropa ng Task Group Panther at 4th Scout Ranger Company ang
nasabing operasyon.

Kamakailan, naaresto sa joint operation ng pulis at militar sa Barangal
Capual ang mismong lider ng grupo na si Saudi Hamja kasama ang limang
nitong tauhan kung saan narekober ng mga high powered firearms.


Kabilang sa nakuhang armas ay m16, m14 rifle, m1 garand rifle, m203 grenade
launcher, mga magazine at mga bala.

Facebook Comments